Habang ika'y lumalaki
Maraming beses kang madadapa
Maraming beses kang iiyak
Malulunod at malalasing sa iyong problema
Parte na ng buhay ang mga pagsubok na kakaharapin
Minsan may panahong sumasablay
May mga araw na nakakainis at nakakabad-trip
At meron ring araw na magulo
'Di mo masasabi kung ano ang hinaharap
Minsan maraming drama na parang isang teleserye
Minsan makulay na parang isang bahaghari sa alapaap
O kaya'y isang magandang awit ng musika
Na masarap pakinggan sa ating tenga
Mga panahong nasayang ko
'Di na maibabalik ang nawala na
Nilisan man ng kahapon
Nagbago man ang ihip ng hangin
Mga ala-alang nakalutang sa aking isipan
Nakaukit pa rin sa puso ko
Marami na rin ang nagbago
Marami na rin ang nawala
Marami na rin ang nakalimot
'Di maiiwasan pagkat tayo'y mga tao lamang
Parang kelan lang nung ako'y mag-isang naliligaw
Hanap ang bagong liwanag ng pag-asa
'Di ko akalain na darating ang ngayon
'Di ko akalain na mag-iiba ang lahat
Nabigo man ang aking nakaraan
Unti unting natuto at bumangon
Aking napagtanto
Responsibilidad mo ang iyong buhay
'Kaw ang ng-uukit ng iyong kapalaran
'Kaw ang nagpapatuloy ng iyong kuwento
Nakakapagod man minsan itong gawin
Iikot ang mundo at magpapatuloy ang oras
Maraming aral akong natutunan sa aking paglalakbay
Karunungan na aking tangan-tangan
Bagyuhin man ang mundo ko
Natutong lumangoy sa alon ng buhay
Hindi perpekto ang ating buhay
Pero merong Diyos na marunong
At alam ang Kanyang ginagawa
Huwag na huwag ka lang bibitaw sa Kanya